06/09/2023
'NAPAGSARHAN NG BANKO' 😹
Kinagiliwan ng ilang netizens ang post ng uploader na si Mark Lister kung saan makikita ang mga pusa na nag-aabang sa pintuan ng isang banko sa Maynila.
"Pagbaba po namin ng motor to withdraw, nakita po namin agad 'yung mga pusa na nakaabang sa pintuan ng bank. We decided to take a photo of the cats since sobrang nakakatuwa po silang tingnan kasi lahat sila nakaabang sa pintuan ng bank and nakaline pa base po sa kanilang size and height. Gusto po kasi naming mapakita sa daughter namin since shes a cat lover po and everytime na nakakakita po siya ng pusa sobrang natutuwa po siya," kuwento ni Mark sa PSND.
Aniya, ang mga naturang pusa ay hindi umaalis sa pintuan ng naturang banko at tila may hinihintay.
"Talagang nandun lang sila and hindi umaalis na parang may inaantay. Kaya napagkatuwan namin gawan ng kwento ni Misis na baka 'di umabot sa banking hours to withdraw. Pero since may tao pa sa loob ng bank, iniisip namin baka merong nagbibigay ng food sa kanila na nagwowork sa bank and kudos to them kung sino man po siya o sila," wika ni Mark.
Ayon pa kay Mark, hindi sila sigurado kung mayroong may-ari ng mga naturang pusa.
"Napakabehave po kasi nila and parang magkakapatid na nag-antay sa pintuan ng bahay sa pagdating ng magulang. Although siyempre nalungkot din kami ni Misis kasi hindi kami sure if may mga nag-aalaga talaga sa kanila since nasa labas nga lang sila. So I decided na din ipost siya sa group para makita ng mga catlover at alam kong madaming matutuwa at baka nga may mga mag-adopt din sa kanila in case. But 'di pa din ako sure if meron po talagang marong may-ari sa kanila since 'yung taas po kasi ng bank is parang residential building," saad niya.
(Facebook/Mark Lister Basa)