31/05/2024
Parang gusto ko umiyak pagka-baba ko ng Angkas.
Nangyari ito sa akin a few days ago at na-storytime ko na ito sa video ko, pero gusto ko lang i-share in written words dahil hindi pa rin mawala sa isip ko. This reminds me na meron pa rin talagang mga ganitong klaseng tao sa mundo.
I was on my way to a condo in Makati because I stay there, in a neighborhood na hindi ganoon ka-expensive but very comfortable, I would say hindi rin mura ‘yung rent ko. So one night, nag-book ako ng Angkas kasi mas mabilis at mas practical. Tapos pagdating nung rider, napatingin talaga ako sa motor niya. Hindi kasi ‘yun ‘yung mga usual na motor ng Angkas, Joyride or Move It.
“Parang pang-long ride ito ha. Pwede ba ‘yan sa expressway?,” tanong ko. Sabi nung rider ko, na tawagin natin sa pangalang Jay, hindi raw. Modified ‘yung itsura ng motor niya na ginagamit sa work pero nagagamit niya rin sa long rides, lalo na kapag uuwi siya ng Bicol galing sa Manila. Tapos bigla na siyang nagkwento.
Lumuwas daw siya papuntang Manila galing Bicol kasi sinampal daw siya. Sabi ko, “sinaktan ka?” Sinampal daw siya ng katotohanan na mahirap lang sila.
Pagka-graduate daw niya ng Senior High School, napilitan siyang huminto ng pag-aaral kasi wala na silang budget sa studies niya. Nagkasakit kasi ‘yung dalawa niyang magulang at kailangan mag-redirect ng funds.
Naging tambay si Jay for a while, tapos naisip niya, “hanggang dito na lang ba ako?” So ang ginawa niya, nakipagsapalaran siya sa Manila kahit wala siyang kakilala. Ang kwento niya, nag-apply daw siya sa call center at natanggap siya.
For about a year, nag-call center siya. Tapos madami siyang nakilalang mga friends doon, ‘yung iba sa kanila nag-aral sa CEU. Inisip niya na gawing goal na bumalik sa pag-aaral kapag naka-ipon. Pero siyempre mahirap ‘yun on his end.
Nakatira lang si Jay sa isang dorm sa Manila. Mura lang ‘yung renta niya pero I would imagine hindi ganoon ka-comfortable. Pero pwede na. Sabi nga niya, tiis-tiis lang, wala naman siyang gaanong choice.
Noong naka-ipon siya, hindi siya bumalik ng school. Bumili siya ng motor. Tapos nag-apply siya as Angkas rider. Nag-part time Angkas rider siya habang nagko-call center.
Gumaling ‘yung magulang niya pero hindi na rin ata sila nakabalik sa work. Tumutulong siya sa expenses ng bahay nila at sa pag-aaral nung bunso niyang kapatid. Meron siyang ate, working student din noon at nag-aaral ng Law sa Bicol.
Eventually, nag-resign si Jay sa call center tapos nag-full time as motorcycle rider. At noong medyo gamay na niya ‘yung mga bagay-bagay, bumalik siya ng pag-aaral. Isa na siyang Accountancy student ngayon sa CEU at malapit na siyang grumaduate.
Tinanong ko kung gusto niya ituloy maging accountant pagka-graduate niya. Sabi niya, hindi lang raw ‘yun ang gusto niya. Gusto niya maging CPA Lawyer. Mataas ‘yung pangarap ni Jay, bilib ako sa kaniya.
Tapos ako naman ‘yung tinanong niya, kasi nakarating na kami sa condo. “Ang ganda naman dito, sir. Mahal siguro dito.” Sabi ko nagre-rent lang ako, tapos nag-follow up siya. “Magkano rent niyo dito?”
Hindi ko na sinabi sa kaniya kung magkano. Ang sabi ko na lang, “Medyo mataas eh, pero sigurado ako balang araw, mas maganda pa dito ‘yung titirhan mo.”
Sa taas ng pangarap ni Jay at sa sipag niya, for sure, hindi tatagal eh magmu-move out na siya sa dorm at lilipat sa mas magandang tirahan.
Pagkababa ko ng Angkas parang gusto ko maiyak na ewan, eh. Meron talagang mga tao na matiyaga kahit mahirap ‘yung buhay. Sana maging okay ‘yung life niya someday, pati na rin ng family niya.
..
Wow, this post blew up! Share ko na lang din, follow niyo rin ako sa Instagram: instagram.com/bujibabiera