18/05/2026
Last Donki orders 🥺
Hindi ko talaga inexpect na yung simpleng pagli-live at pagsho-shopping sa Donki… hahantong sa ganito 😭
From mga unang “MINE” niyo hanggang sa araw-araw na chikahan, tawanan, kalokohan, at kulitan natin… naging part na kayo ng routine at buhay ko 🥹💖
Sa totoo lang, hindi lang customers yung nakilala ko dito. Parang naging sisters ko na kayo 🫶🏻 nako! kahit makukulit 😂🙈 Kayo yung kasama ko sa puyatan, sa random kwentuhan habang naglalakad sa Donki at kung saang lupalop pa yan, at sa mga moments na kahit pagod na, napapatawa niyo pa rin ako 😂
Mamimiss ko yung ingay natin sa live, yung bardagulan sa comments, at yung feeling na parang tropahan lang tayong lahat kahit magkakalayo 🥹
Thank you kasi sinamahan niyo ako sa little journey na to dito sa Japan. Mapa buntis man ako at biglaan breakdown habang live natin hindi niyo ako iniwan. Hindi ko kayo makakalimutan promise 😭💖
Balitaan ko kayo ano next natin, SANA SUPPORTAHAN niyo padin ako 🙏🏼☺️
ARIGATOU GOZAIMASU 🙇🏻♀️❤️🎌