12/08/2020
Mga mam,sir, online buyers, walk-in buyers, suki, new members. Gentle reminder po:
Ito po ang meaning ng overruns/mall pull out. Ang overruns po ay over manufactured or excess na gawa sa factory na HINDI pumasa sa quality standards ng isang branded na company.
- Disaligned (hindi pantay) ang stitching
- Minsan nagkamali ang nakalagay sa size (example: small ang nasa etiketa, pero ang laki ng damit ay pang XL) - Wala namang epekto sa magsusuot 😜
- sa mga mall pull out naman ay yung mga end season items
- ang iba naman ay OVER lang talaga ang gawa ng factory, kahit pumasa sa standard di tinanggap dahil sa sobrang dami ng production. Ex: si (brand name) nag order ng 1,000 pcs of shirts kay factory. Si factory gumawa ng sobra pa sa 1,000 pcs. Hindi kkunin ni (brand name) yung sobra kahit na perfect pa ang pagkakagawa or pasado sa kalidad dahil 1,000 pcs lang ang need nila (gets? 😂)
Hindi po UKAY, luma, or gamit na item ang overruns. All items are NEW po. Kaya ito mas mura sa makkita ninyo sa branded shops ay dahil bagsak presyo na din syang binebenta ng manufacturer (Kesa sa malugi) -business strategy po yon
LAGI MO TANDAAN, WALANG PERFECT sa mundo! Wala na tayo magagawa doon ang kailangan ng mundo ngayon, ay tanggapin at mahalin mo ang flaws mo. Para mayakap mo ang mundo ng buo at mahalin ka ng ibang tao (chareeeng!!!!)
REST ASSURE, na quality items ang provide namen sa aming buyers. Dito ako nakilala, at dito ako minahal ng buyers ko. Binuo ko ang network ko ng may malasakit at sakripisyo makatulong lang sa buyers ko.
CTTO ❤️😊